ang imbak sa garapon.
May sidhi ring naipon.
May bukas ding natapon.
Hindi lamang pangarap
ang nilayon ng sikap.
Ang saliw ng halakhak,
nilamon din ng alak.
Pati uhog ng paslit,
pamusta rin sa tong-it,
maging kuto sa ulo-
sasapat nang panalo.
Madilim ang umaga
sa harap ng tarangka.
Malalim ang hininga
sa sawsawan ng mangga.
gubat sa kabihasnan,
‘sing ikli ng kalsada
ang takbo ng pasensya.
Sa kinagisnan naming
‘sang sulok na madilim,
‘sing kipot ng tanawin
ang lakad ng isipin.
Isang dipa ang agwat
ng utak sa ulirat.
‘Sang dangkal ang panalat
sa buhay na nilagnat
ang aso, walang ngipin,
walang kuko ang pusa,
may kwintas pati daga.
bawat gabing magsiping,
ang supling ay umagang
maghapon kung igapang.
No comments:
Post a Comment